Sa Nakaraang Buwan
Isang buwan akong labis na nagtiis sa matinding kirot ng aking puso dala ng iyong pagbuwag ng iyong tunay na nararamdaman sa akin. Bawat araw, pumapasok ka sa aking isipan, ni mga takda hindi ko mapag-isipan at magawa nang matino. Sadyang hindi ko kayang ipaghiwalay ang dalawang bagay na hindi dapat maipagsama.
Kahit sa aking paglakbay noong nakaraang Semana Santa, gabi-gabi kita iniisip. Binasa ko ang iyong mga mensahe sa akin, pati mga larawan mong nakabibighani inisa-isa ko. Mahirap makatulog kahit kung pagod ako sa isang araw ng paglibot sa mga tanawin ng Malaysia.
Pinag-isipan ko kung bakit sa lahat-lahat ng aking ginawa at pinaghirapan para lamang sa iyo, aking minamahal, ay hindi ko pa ring nagawang mapamahal ka sa akin. Bakit kahit nakadarama ka ng di-kanais-nais na pakiramdam ay pareho pa rin ang iyong pagtrato sa akin? Ni isang beses hindi ko naisip na ayun na pala ang nasa loob-looban mo, hanggang sa nagsimula kang magparama kamakailan lang.
Alam kong malaking mali sa bahagi ko ang umasa. Pero bakit ko ito nagawa? Mukhang maayos na kasi ang pinagdaanan natin. Hindi ko naman maiisip na maling senyales ang mga nagawa mo, lalu na’t ako’y isang nanliligaw sa iyo. Ipinalabas mong pwede na akong umarangkada pa…ngunit hindi pala.
Kahit naisip ko mga yun, babagal din naman ako pagdating ng unang taon mo sa kolehiyo. Sinabi mo na rin mismo na tutuunan mo ng malaking pansin ang iyong pag-aaral. Ginusto ko lang gawing higit na masaya ang mga natirang buwan bago kita medyo “layuan.” Pero ngayon na nangyari na ang nangyari, lalo lang ako napalayo sa iyo.
Labis kong dinibdib ang mga ito, pero mali ang mga ito at natuklasan kong lalo ko lang hinihila ang aking sarili mula sa iyo sa paggawa nito. Ngunit, sinong hindi malulungkot at masasaktan nang matindi at mahapdi, lalo na ang isang wagas na nagmamahal? Isang mabigat na bato ang pumatong sa aking puso, at araw-araw kong nadama ang matinding pag-ipit sa aking dibdib.
Unti-unting lumipas ang bawat araw. Ang bagal sobra dumaan ng oras, parang isang taon ang dumaan sa bawat paglipas ng isang araw. Hanggang sa dumating ang nakaraang Miyerkules.
Nang kausapin ka ng iyong ina tungkol sa aming napag-usapan, nainis ka ulit. Sinabi ni Tita sa iyo at ipinaliwanag kung ano ang aking napagdaanan at kung gaano kabigat at kasakit ang puso ko. Naintindihan mo rin sa wakas kung ano ang dala ng iyong ginawa sa akin. At dahil nabokeng mo ulit ako, nawala ang inis sa iyo at pinalitan ng tuwa.
Hindi ko alam kung paano o bakit, pero sa iglap na nagkausap tayo ukol doon, nawala ang malaking bahagi ng sakit.
Sa oras na yun din ako napukaw. At simula doon, nawala ang malaking paghihinagpis.
Salamat at nadama mo ang aking pinagdaanan na paghihirap. Salamat at pinagbigyan mo ako sa mga pagkakamali ko sa iyo sa mga nakalipas na araw. Salamat at labis mo pa ring pinahahalagahan ang ating pagsasama.
Kabalintunaan, nangyari ang mga ito eksakto isang buwan matapos mo akong itaboy.
Tandaan mo lang, nandito pa rin ako para sa iyo, at nakatago lang ako pansamantala, at...
...taos-puso pa rin kitang minamahal...

0 条评论:
发表评论
订阅 博文评论 [Atom]
<< 主页