Muling Pagbalik
Bumalik ako kasama nina Kaira, Esme, Bb. Paronda, Gng. Ramos, atbp. sa Sitio Bautista ngayong umaga upang magturo ng Ingles at ng sipnayan.
Nang kami’y nakarating, parang ang tahimik ng paligid, ngunit nandoon pa rin ang malugod na pagsalubong ng mga taga-roon. Mukhang handa na kaming harapin ang aming mga mag-aaral sa silid-aralan.
Kasama ko sina Mervyn at John sa aming silid. Buti na lang at labing-isa o labindalawa lang ang mga mag-aaral at sila’y mas mabilis turuan at obserbahan. Medyo nakalulungkot lang nga dahil karamihan ay nahihiyang sumagot. Pero sa bandang huli, medyo nakuha ko rin ang kanilang aktibong paglahok sa klase sa pamamagitan ng kanilang pagsagot sa pisara. Masaya naman dahil kahit papano, may naituro kami sa kanila at natulungan namin sila.
Hinanap ko si Jeffrey ngunit hindi ko siya makita. Sabi ng isa na siya’y panghapon. Ngunit nang kami’y papalapit nang umalis habang ako’y nagbabasa ng aking paboritong nobela, may biglang kumalabit sa akin mula sa bintana. Si Jeffrey pala! Nagkamayan kami at nangamusta sa isa’t isa.
Sa susunod na linggo, babalik pa muli kami upang ituloy ang aming pagtuturo.
Sadyang masarap ang pakiramdam ng bumalik sa San Hesus Nazareno at tumulong sa kanila, ang ilan sa aking mga kaibigan.

0 条评论:
发表评论
订阅 博文评论 [Atom]
<< 主页